Paalala
Ang mga bagay, karakter, at pangyayari ay pawang piksyunal. Taglish ang moda kaya paumanhin kung tunog na pare chong dude. Importante kasi na konbersasyonal ang tono ng gagawin kong kwento.
Mga tauhan
Unique. Natatangi. Sino? Siya, si Unique the Programmer. Obviously nag-go-google hangouts. Walang pagaalinlangan mag-suggest ng mga kinahuhumalingan. At bakit naman hindi? E mahal mo, proud ka, nais mo ibahagi diba; nang walang pagaalinlangan. Nahuhumaling sa ngayon sa Pedro the Lion. Kaanib sa Iglesia ni Eichiro Oda.
Ann Dowd. Lider ng kulto. Parang galing sa isang fresh black and white movie. Mataas ang self-awareness kaya kumportable sa personal na espeys. Kaya, mahilig mag-organisa kahit walang pumunta, kahit indianin, at kahit utimately sa dulo, mag-isa. Kasi doon niya naaabot ang self-actualization. Mataas ang EQ kaya marami pa ring narerecruit sa kulto. Mahilig kay John Mayer, deh joke, kay Tom Misch.
Emo. As in, emotionally intense. Hindi yung loner nihilist subculture na nauso sa Pinas ng late 2000s. May maraming gestures na parang nag-babalagtasan. "Your art, is you." Sasabihin niya yan na nakataas ang kamay na aktong may sinasalo at nakatutok sa buwan; parang nag-babalagtasan. May nakakatakot na pagnanasa kay Julian Casablancas, kay Franco, at to some extent kay Mike Kinsella. Wes Andersonatics at Phoenix head.
Jawbreaker. May sugat sa labi, nadapa raw. Sana sa panga na lang para poetic sa trip niyang banda. Mukhang mabait. Mukha lang. Malakas mang-alaska. Hindi maka-move on sa punk; sino bang hindi diba? Nasa kabilang spectrum ang ka-hipsteran. May pagka-elitista sa uri ng musika, o sa pangkalahatan, pero may karapatan kasi isang bassista ng Jazz. Kapatid ni Ann Dowd. Nasa kabilang spectrum din ang self-awareness.
Narrator. Tagalahad pero parte pa rin ng istorya. Side character lang pero baka maging pokus ng istorya dahil siya ang naglalahad. Huwag naman sana. Mahilig sa okra.
Kwento
Pinagtagpo, nguni't hindi tinadhana. Yan ang usong ka-bullshitan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Hindi ako naniniwala sa tadhana pero naniniwala ako sa kabataan, pero pang-mamaya na iyon. Magsimula tayo sa simula.
Ikalawa ng Agosto: Tutugtog ang Americ anfootball sa Power Mac Center Spotlight sa makipot at makating, Makati. Hinatak ako manood ng matalik kong kaibigang si Emo. Ah, teka, Hinatak ko pala siya. Mag-dedebate nanaman kami kung sino ang nauna. Importante kasi kung sino ang impluwensyal sa power dynamics naming dalawa. Importante rin kasing naiintindihan kaming dalawa, over every other damn petty things sa sangkalawakan. Pero tama na ang drama sabi ng bandang shirley, e gusto ko Americ anfootball e. Alam mo yung banda na ang dalas magpalit ng tono sa isang skala, tapos puro minor keys, tapos emo yung genre? Tapos iyong mga banat "Selfishness is inherited", "That's life. It's so social", "Oooh, the muscle memory, continues to haunt me" tapos may buong conviction na tatanungin "Honestly?" sabay mapapakanta ka na lang ng rhythm, oo kakantihin mo yung rhythm. "Deng deng deng deng, deng deng deng deng." Ganun! Malay ko kay Emo kung ano dahilan ng pagpunta niya, basta ako, alam ko pupunta ako.
Alas-sais ng gabi ako dumating isang oras bago magsimula. Maya-maya dumating na rin si Emo, may inaabot nang marahan. Mapusyaw na dilaw at may nakasulat sa kulay dalandan, 'Hansel'. Sa sobrang gutom ko, nagpadala kasi ako ng kahit anong makakain sa kaniya. At dahil financially stable pa naman ako hanggang 12 midnight sa parehong petsa, at kinabukasan ay papanaw na ako, nagtitipid ako ng husto para makapag-concert. Wala eh, gusto ko buwagin yung ideya na pang burgis ang art. Pero naiintindihan ko rin na kailangan magbayad sa prod, sa venue, sa talent fee. Kung kaya mo maging pulubi para maka-travel kaya ko rin noh! Salamat Hansel, nairaos ko.
Maaga pa, may oras pa para sa isang beer mug. May isang tindahan ng craft beer, nasa tatlumpo iyong pagpipilian tapos hango ang pangalan ng bansang nagrerepresenta sa kanila, mula Czechoslovakia hanggang Papaua New Guinea. Makikita mo rin kung ilang porsyento ang alcohol tapos kung saang halaman o pagkain o ano man ibinase ang lasa. Ako pinili ko iyong pinakamura. Hindi ko na maalala kung anong bansa pero iyong saktong deskripsyon ko kay Emo, "lasang gumamela". Makabansa si Emo kaya Pilipinas yung pinili niya. Nakabase sa ipa ng palay. Habang inaantay yung beer ni Emo kitang-kita ko si Gabba (Tom's Story) at si Clara Benin sa kabilang mesa, naghaharutan. "E di' kayo ng mag-coconcert na mag jowa habang HHWW (Holding-Hands-While-Walking)" sabi ko sa isip ko. Sa gulat ko sumigaw si Emo, "Putangina ang pait." Wow. Nabasa ba niya isip ko? Siyempre hindi. Kasi tinitukoy niya pala yung beer na base sa ipa. Tinikman ko. Saksakan nga ng pait. Pakiramdam ko hindi downer yung beer niya, tipong magigising ka na lang sa pait kasi parang may caffeine.
"Ang tagal naman ni Ann Dowd", wika ni Emo. Napaisip ako, may ineexpect pala siyang dumating. Tanong ko, "May kasama ka pala hindi ka man lang nagsasabi." "Hindi naman literal na kasama, may chat group kasi kami neto na nag-aaya sa mga concerts at gigs, nakasama ko siya sa Summer Noise" sagot niya. "Parang kulto ganun?" pabiro ko sa kaniya. "Mej, yung' pupunta cult leader namin. Mag-aaya lang iyon tas lolobo kami sa walo, dosena, ganyan," kwento ni Emo. Astig pala tong si lider ng kulto eh. "Siguro napaka strong ng aura niya", wari ko.
Pagtagpo sa pila, mali naman pala ako. Sobrang warm at simple ng dating ni Ann Dowd. Baka ganoon pag lider ng kulto. Lubog sa mga tao niya, nag-tatago ng motibo, hindi papabisto. Napagkwentuhan na madalas lang talaga siya mag-organisa sa isang medium sa intarnet. Mag-aakda ng post na nagsasaad ng aya ng ganap sa publiko, oo publiko, ibig sabihin total strangers. Tapos, come day of the event, come what may kung may pupunta o wala. Minsan may verbal confirmation sa text, misnan wala. Sabi ni Ann Dowd, ayaw niya raw kasi pumunta mag-isa kung pwe-pwede, pero hindi ko rin naman naramdaman sa kanya na bago ang pagiging mag-isa. Dito ko napagtanto na baka kaya niya ginagawa iyon para maramdaman ng mga kaanib niya na importante sila sa kaniya. "Shet, scary," bulong ko sa sarili.
Bago pumasok, dahil setup pa naman ng Typecast (Front-act), inaantay namin ni Ann Dowd ang isa sa mga inimbita niya na nagkumpirmang sasama. Unang beses din sila magkikita kaya pinakita niya picture para makatulong sa paghagilap. Payat na lalake na maliit, nakasalamin tapos maiksi buhok. Pucha pagdating long hair tapos may katangkaran na may kamukhang sikat na bandman. Pakilala niya Unique. May kasama rin siyang mukhang prim and proper na babae. Siyempre kinilala namin iyong kasama, akala ko sasabihin niya, "Aking sinta," yun pala aniya, "Nakilala ko lang sa hagdan habang pumipila." Napansin ko may sugat sa labi, tatanong ko sana kung tinulak niya rin ba sa hagdan pero sino... ang maglalahad ng nadarama. Tawagin na lang natin siyang Jawbreaker.
Pumasok na kami. As usual, wala pa ring kupas ang Typecast. Masaya ako kasi kinanta nila iyong peyborit ko na, "You come back in a heartbeat, don't be confuse of what a great thing we could be. Take a walk at the same street. Can you tell me what LA is like without me?", ay Boston Drama nga pala, ibang lugar at drama na kinakanta ko. Nakakatuwa talaga ang following ng Typecast, laging may magiliw na sisigaw ng request for niche songs na hindi rin naman kakantahin ng Typecast.
Dumating na ang americ anfootball. Siyempre sigawan ang lahat. Inoobserbahan ko mga kasama ko. Si Ann Dowd CCNC, cool, calm, and collected; very true sa kanyang karakter na lider ng kulto. Si Unique napakapolite na tao, kulang na lang ihingi niya ng excuse ang kanyang existence dahil sa tangkad niya baka nakakaharang raw kasi siya. Siyempre nag-kwekwentuhan lang kami ng feels namin ni Emo at mga mean comments here and there. Si Jawbreaker ang medyo lantad ang energy, makikita mo sa kanya iyong eagerness sa ganda ng eksperyensya. Marahil kasi tumutogtog siya. Napakaganda kasi ng technicals ng americ anfootball kaya sa isang musikero madadama mo talaga iyong appreciation. Alam mo yung naive na bata sa kalentong, mandalayong na umatend ng Fliptop Battle tas pakiramdam niya sasaklolo na siya sa hiphop?
Natapos ang set. Solid lahat ng pyesa, solid pati crowd. May pa-crown pa ang ilang grupo sa audience na props mula sa ginunting na cartolina habang kinakanta ang Heir Apparent. Medyo obvious na Never Meant yung huling kakantahin at natapos ang concert na pakiramdam naming lahat kailangan namin ng mga walo or siyam pang rendition ng Never Meant. Tapos siyempre hindi ko maisasalarawan sa ngayon ang buong concert kasi ang sulat na ito ay never meant naman para doon. Gusto ko lang ikwento sina Ann Dowd, Unique, Emo at Jawbreaker.
Balik kami sa mundong pwede na mag-usap. Inisip ko baka magsiuwian na itong mga to, pero sabi ni Ann Dowd, "Maaga pa." Natuwa naman ako. Kapag sinabi kasi ni Ann Dowd, batas talaga, kahit napakamalumanay ng pagkakasabi at may lambing. Makikita sa mga mukha namin na wala kaming masabi. Speechless ba? Basta ramdam iyong galak ng mga tenga namin sa nangyari kaya mukhang kinakailangan ng debriefing kung saan man. Malamang alak lang ang trip ko sa buhay pero bilang pinakamtanda sa grupo ayoko naman mag-impose. Si Emo ganoon din, pero hindi papayag yun na hindi makainom. Binalak namin magpunta ng Filling Station pero dahil sabay-sabay labas ng tao pahirapan sa pag-book ng Grab. So, napagdesisyunan na lamang na magututang dila kung saan man sa Mall. Muntik na sanang maging Mcdo pero dahil makulay ang pagkatao ni Emo inassert niya na, "Hanap na lang tayo kung saan lahat tayo may pwede inumin, kape, alak, etc".
Habang naglalakad para maghanap ng tatambayan, may dalawang importanteng bagay kaming na-establish. Una, hindi ko na napigilan at binanatan ko na si Unique, "Pre, ano ba mga naging differences niyo nina Blaster, Zild, at Badjao?" Tawanan. Cool naman si Unique at tinawa na lang namin. Hindi rin naman bago sa kanya na kamukha nga nya. Pangalawa, magkaparehong thick glasses, magkapareho ng edad, nasa iisang concert ibig sabihin may same interests, tapos total strangers sa isa't isa pero bakit parang magkapatid yung pagkakamukha nina Jawbreaker at Ann Dowd. Walang taliwas ang opinyon, lahat kami, kahit sila, hindi sumasalungat sa ideya. Parang magkapatid nga talaga sila.
Sa mabuting palad, ay nakahanap kami ng isang Mexican joint. Ayun umorder, as usual red horse lang naman gusto ko at ni Emo, si Unique iinom din. Yung magkapatid hindi ata nainom. Ang nakakatuwa doon sa isang mala QC to TAFT na magkalayong rason. Si Jawbreaker dahil isang naive na bata na may baong milk tea, tapos sa kabilang dako, si Ann Dowd para kontrolado lagi ang mental faculties, kalkulado, responsable. Puro siguro.
Habang inaantay order, nag-aya si Emo ng yosi. Sumama naman ako at sa laking gulat ko, si Jawbreaker din. Medyo malayo yung yosi area kaya nakapag-usap pa kami ni Jawbreaker. Si Emo medyo nag-emo at medyo napabilis lakad kaya nauna na; yosing yosi na siguro. Natanong ko kung bakit siya umattend ng concert, saan ba niya nakilala yung banda. May inaalala siyang linya na nasa hangganan ng dila niya. Linya ng isang kanta ng isang banda kung saan niya nakilala yung tumugtog. Hanggang sa maalala niya, "Ah. Yung, 'Bullshit you fucking miss me'," sabay kaming napa, "Ah, Modern Baseball pala". Nagpatuloy siyang maglahad ng mga bandang hindi ko pa naririnig or nabasa man lang kung saan. Ramdam ko tuloy na may pagkutya sa tono niya. Ayos lang naman. Pero ang napansin ko lumalayo na siya sa ideya ng isang naive na bata at lumalapit sa isang punkistang metal head na medyo sad ang tema tapos ang tugtugan Jazz. Ang medyo pamilyar lang ako sa mga nabanggit niya ay yung paborito niyang Jawbreaker, kung saan parehong vocalist ng trip kong kanta ng Jets to Brazil na ang pamagat ay 'Perfecting Loneliness'. O diba perfecting loneliness, cinareer ang kalungkutan! Natuwa naman ako kasi medyo nakaka-identify ako sa ganoong trip sa music.
Pagbalik sa mesa samu't sari ang napagusapan. Sobrang dami kasing common interests. At madalas sa mundong ibabaw ang mga kaibigan natin na namemeet sa buhay ay hindi necessarily kapareho natin ng trip sa buhay. Pansin ko goods na kasi ako kay Emo, pero nakakatuwa rin pala pag may ibang tao na nakakausap mo. I guess gusto ko lang sabihin na mali si Mike Kinsella (Americ anfootballl), wala namang never meant kasi nangunguhulugan na may nakatakdang mangyari. Siguro nga may forces na hindi natin hawak sa mundo kaya nagkita-kita na lang kami ng gabing iyon. Pero kung hindi lider ng kulto si Ann Dowd, kung hindi niya disipilo sina Emo at Unique, at kung hindi sinama ni Unique si Jawbreaker na sumama rin naman, hindi naman mangyayari ang mabulaklak na gabing iyon. Ang mensahe ko na lang sa kanila ay:
"So, let's just pretend
everything and anything
between you and me
was never meant..
but i guess it's bound to happen because of our collective individual identities to put ourselves out there on that fine evening."
______________________________________________________________________________
#AgostoKoSariliKo [Day 4/31] Self love is self expressionism.
Agosto ko Sarili ko is part of a healing and continuous reinvention process where I am forcing myself, day to day deadlines ala Nas Daily, of any creative work for the entire month of August. Why don't you do it as well or if you want we can collaborate? Hit me up. 😁
Galing ☺️
ReplyDeleteThank you. Sino to??? :)
Delete