image1 image2 image3

Sup I'M JOHN VLADIMIR|WELCOME TO MY PERSONAL HELL|I LOVE MAKING SINS|AND WRITING ABOUT THEM

Ang Puta sa Sunken

Kaloy

       "Ang ganda po ng hapon ngayon ano?"
       Tila ingay na sumirit lang sa hangin ang mga salitang ito dahil nasa pampublikong lugar at mag-isa lamang na nakaupo si Kaloy. Bilang isang mahiyaing bente dos anyos na malapit nang magtapos ng kolehiyo sa kursong Electronics & Communications Engineering, sa mga malapit na kaibigan at orgmates lamang siya nakikihalubilo. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya ng tila kinakausap siya ng isang binibini na may hawak na Canon 450d na nasa-aktong may kinukuhanang mga naglalaro ng frisbee sa ibaba nang tanungin siya neto. Bilang isang totoong INTJ, hindi pinansin ni Kaloy ang babae subali't naghanda siya ng sagot kung sakali mang siya nga ang kinakausap nito.
       "Tayong dalawa lang naman andito, maliban na lang kung buang ako sa paningin mo" wika ng dalaga sabay baba ng hawak na kamera at ngumiti kay Kaloy.
      "Ang ganda naman ng kamera mo, 450d ba yan?" gulat at may pag-aatubili na sagot ng binata na parang nageensayo ng isang deklamasyon. Paano, sa isip niya alam niyang Canon 450d nga ito, paano mayroon din siya neto, kaya iyon ang nakahandang sagot niya; hindi nga lang handa kung paano bibigkasin ang mga salita.
      "Oo, ang galing ah kolektor ka ba ng kamera at kaya mo tukuyin kung ano gamit ko?" sagot ng babae.
       "Ah, eh, hi...hi.. hindi. Mayroon din kasi akong ganyan pero hindi na yan ang gamit ko ngayon" may pag-utal na sagot ni Kaloy dahil hindi na siya nakapaghanda ng susunod na sasabihin.
      "Pinaghirapan kong bolahin erpats ko para bilhan ako neto tapos ikaw pinalitan mo lang na parang lumang laruan?" umiral ang kapilyuhan ng dalaga tuwang-tuwa ata siya sa tuwing namumula  si Kaloy.
       "Ah eh hindi naman sa ganoon!" napasigaw ng bahagya ang binata sabay napayuko at itinuloy, "yung hilig ko kasing kunan hindi na nadadale ng kamera na iyan. At tsaka may mga setting ako na hindi ko mapalitan na diyan..."
       "Ang sabihin mo pang-bano to' hindi mo pa diretsuhin eh" patawang sabat ng babae habang aktong uupo sa tabi ng binata. "Paupo?" tanong niya at tumango na lamang si Kaloy.
       "Ako pala si Cherry. Yung overrated na nilalagay sa tuktok ng kung ano mang dessert pero saksakan naman ng asim" pakilala ng dalaga. Sumagot ang lalake, "Kaloy.. ummm... hindi naman mahalaga kung ano kamera mo bilang isang baguhan eh. Siguro kapag alam mo na gusto mo at istilo mo saka ka na mag advance na kamera." "Aba ang yabang mo rin eh noh, pansinin mo naman joke ko" palihis na sinabi ni Cherry habang malikot na tintitigan si Kaloy. Tumingin din eto at napangiti at sa unang pagkakataon sumagot si Kaloy ng walang pag-utal at buong diwa, "Bakit maasim ka ba?" Sa unang pagkakataon nagulat si Cherry kaya bumulwak na lamang ang malalakas na tawa sa kanyang bibig. Tumawa na rin ng tumawa si Kaloy. Sa unang pagkakataon kumportable na sila sa isa't isa.
       Natigil ang tawanan ng biglang magseryoso si Cherry. Nagbago ang mukha neto at biglang may pagdiin na tumingin kay Kaloy saba'y wika, "Hindi ako maasim. Maanghang ako." Malambing na may paghalina ang tono ni Cherry. Kinilabutan ng husto si Kaloy hindi niya alam ang isasagot, namula nanaman siya ng husto at halatang-halata dahil may pagka-tisoy. Tila sasabog na ata siya kaya binago na lamang ni Cherry ang usapan, "Tara Sarah's, inom?" nag-aya si Cherry sa isang sikat at dinadayo lagi ng mga estudyante, prof at mga karatig na residente sa may UP Diliman area na ang pinaka pang-akit ay hindi namimigay ng yelo.
       Pumayag si Kaloy. Mabilis ang mga pangyayari. Maraming bote ang napatumba ng binata pero mas marami pa rin kay Cherry pero parang hindi pa rin tinatamaan eto. Marami din silang napag-usapan. Nalaman na Fine Arts si Cherry at pangarap nitong maging isang pilipinang cinematograper. Si Kaloy naman kinuwento na mahilig siyang kumuha ng litrato ng mga ibon, lalong lalo na sa nagtataasang mga akasya sa may campus. Kaya rin kailangan niya ng mas partikular na kamera tulad ng kanyang Canon 7d sa libangan neto. Napagkwentuhan din nila ang mga nakaraan nila sa larangan ng pag-ibig. Si Kaloy kahit iisipin mong walang karanasan ay nagkaroon na rin naman ng mga kasintahan. Limang maiiksing pag-ibig sa limang taon sa kolehiya ng binata. Tisoy, may-itsura, matalino, at mahiyain, perpektong pormula sa mga madadaldal na babae tulad ni Cherry. Si Cherry naman galing sa pitong taong relasyon.
      May klase si Kaloy ng alas-otso y medya at alas syete ng umaga nag-alarm ang selpon ni Kaloy. "Seven years. Putangina alas syete na!" napamura ang binata sa naalala niyang kwento ni Cherry. Nagsisi siya sa pagsigaw dahil parang mabibiyak ang ulo neto sa dami ng alak na tinoma kagabihan. Dahan-dahang sinariwa ng binata ang mga pangyayari. Makulimlim ang lahat pero naalala niya ng masaliyan ang kama niya kung paano marahang pinaglaruan ni Cherry ang kanyang pagkalalake gamit ng bibig at kakaibang paglikot ng dila nito. Ginantihan din niya si Cherry ng matulis niyang dila na inilapat sa mani ng babae at naalala niya ang diin ng sabunot sa buhok nang ipatong niya si Cherry sa mesa. May kalakihan ito kasi dito siya nag-aaral at gumagawa siya ng mga plate sa engg kaya todo liyad si Cherry sa buong mesa. Naalala rin niya na wala siyang condom dahil hindi naman niya inaasahang mangyayari iyon nang minsang ninais niyang tumambay sa Sunken Garden, isang sikat na atraksyon sa UP Diliman Campus kung saan ginaganap ang UP Fair, ang pinakamura at sulit na OPM concert sa Pilipinas. Pero si Cherry may dala. "Parang handa si Cherry sa mangyayari sa gabing iyon", hinuha ng binata.
       Nag-inat ng bahagya si Kaloy at parang kuryenteng bumulagta sa kaniya nang siya'y dagling napalingon sa bawat sulok ng kwarto. Wala na si Cherry. Wala siyang number neto. Ni Apelyido hindi niya alam. Sinubukan niyang hanapin sa Facebook ang babae gamit ng pangalan, unibersidad at kurso. Sa kasamaang palad, walang Cherry sa Fine Arts na maiksi ang buhok at may tattoo sa kanang braso ng larawan ng isang babaeng parang hinango sa imahe at hinagpis ni hesukristo. Pero imbes na koronang tinik, ito ay koronang gawa sa gumamela. Ngumiti si Kaloy at napatingin sa kaisa-isang larawan nilang dalawa sa Sunken Garden bago pumunta sa Sarah's, sabay napamura sa hangin, "Puta."

Dave

       "Ang ganda po ng hapon ngayon ano?"
       "Anong maganda sa hapon kung badtrip ka naman diba?" sagot ni Dave sa isang dalagang nakatingin sa palubog na araw na nahahawi ng mga dahon ng puno. Kanluraning pangalan dahil kanluranin din lumaki etong si Dave. Kaya naman hindi na mahirap sa kanya ang maging diretso. Hindi na rin bago sa kaniya kausapin ng isang estranghero dahil gwapo at makisig talaga etong si Dave. Maliban doon varsity pa siya ng UP Men's Football.
      "Anyari sa iyo, natapon mo ba baso ng kwek-kwek mo tapos noong susubukan mo saluhin natapon mo na rin ang mountain dew?" tanong ng babae.
       "That's oddly specific." natawa si Dave at sinundan ng, "Hindi. Badtrip ako kasi hindi ko pa alam pangalan mo." maharot na sagot ng atleta.
       "Wow. I get it. Pogi, macho, matalino. What else can any woman ask for, huh? My name is Sarah. And you are?" sagot ni Sarah.
       Nagulat si Dave na parang napaatras ng kaunti ang ulo. "Seryoso hindi mo ako kilala? Dave Bentley? MVP UAAP 2018 men's football?"
       Pinalo ni Sarah ang ulo ng lalake. "Hoy ikaw huwag ka masyado hambog at oo hindi kita kilala. Sorry ala akong pake sa football at dalawang taon na akong graduate."
       "Sorry ate." pakutya ng binata sabay sabi ng, "So ano ginagawa niyo ho dito?"
       Marahil dahil amerikanong nagpapaka-pilipino ang kausap, kaya walang pagaalinlangan na lamang sinagot ni Sarah, "Wala. Gusto ko lang balikan ala-ala namin ng ex ko. Dito mismo sa inuupuan mo" sabay napaupo na rin si Sarah sa tabi ni Dave.
       "I'm assuming nag-sex kayo dito ng ex mo noh?" seryosong tanong ni Dave.
       "Hindi dito noh, napakaraming tao, sa heartbreak hill!" daglian sagot ni Sarah. Kaya tinawag na heartbreak hill kasi iyong mga joggers minsan dito tinatapos ang kanilang siklo. Paakyat kasi ng kaunti ang heartbreak hill at medyo wala masyadong tao kasi sa liblib na lugar sa bandang likuran ng Area 2 ito, isang residential area sa loob ng campus kaya hindi na bago na may mga mag-irog na nagniniig sa gawing ito.
       "Gusto mo doon mag-reminisce? Papunta rin ako sa football field sakto pwede kita samahan mag-lakad." alok ni Dave. Nagtaas na lamang ng dalawang balikat si Sarah at nagsimula maglakad kasama ang amboy. Pagdating sa football field nagpaalam na si Dave kay Sarah, "So I guess this is me. Have fun reminiscing or cry your heart out, I don't care." Tinignan ng marahan ni Sarah si Dave sabay kinuha ang kaliwang kamay neto at hinatak papunta sa direksyon ng heartbreak hill. Walang protesta sa parte ng binata. Eto na yata ang pinakamahabang katahimikan sa kanilang dalawa ng magkasama sila. Si Sarah nakatingin lamang sa daan at kalay-kalay si Dave, na nakatingin lamang kay Sarah. 
       Madilim na nang dumating sila sa heartbreak hill dahil palubog na rin ang araw noong papunta sila rito. Lumingin-lingon si Sarah sa paligid at ng wala siyang nakitang tao agad niyang dinakma ang pantalon ng lalake ng kaliwa niyang kamay hinahanap ang katigasan neto. Gamit ng kaliwa, hinatak niya ang batok ni Dave patungo sa kanyang mga labi. Gumanti naman agad ang binata at dahil atleta ito madali niyang binuhat si Sarah dahan-dahan papunta sa damuhan habang pinapapak ng halik ang labi, leeg, baba, tenga, utong, kili-kili, lahat. Nang mapatingin si Dave sa mala hesukristo subali't babaeng tattoo ni Sarah na may gumamelang korona, halos ubusin niya ang balat ng babae sa gawing eto ng katawan niya.
      Malakas si Sarah, pinataob niya si Dave at pinailaliman ito. Dali-dali niyang pinaluwagan ang sinturon at bahagyang binaba ang pantalon ni Dave. Mula sa suot netong sponge-bob na boxer shorts, nilabas niya ang burat ng kalahating kano, at hindi na siya nagtaka nang makitang may kalakihan eto. May kayabangang napangisi si Dave habang tinititigan ang babae. "Why are you staring at it, just suck it please" sigaw ng lalake. Si Sarah naman ay maroon na saya at itim na sando ang suot kaya hinawakan niya ng mahigpit ang ari ni Dave sa bandang baba neto, ibinababa ang panty, at sabay ipinasok sa loob ng kanyang puday. Nagulat si Dave dahil swabe ang pasok, tila baha ng kabasaan ang dilag na nakapatong sa kanya. Parang may malaking pagsabog ng pakiramdam ang nararamdaman ng binata. Kani-kanina lang ay nagpapalipas siya ng sama ng loob sa may Sunken Garden dahil nagtalo sila ng coach niya sa football. Akalain mo ba naman maya-maya ay may magandang babae na papatong na lamang sa kanya. Marahil sa sobrang stress at sa mala pang-kaskas ng yelo sa halo-halo na pag kayod ni Sarah kaya wala pang isang minuto ay tumatawa na lamang si Sarah nang mapasigaw na si Dave ng, "Puta!"

ShortcakeSpirit2019

       "Ang ganda po ng hapon ngayon ano?"
       Napatigil sa binabasang 1Q84 ang lalake, "Hello. Kay gandang hapon nga po. Pwede ko ho ba malaman ang ngalan ninyo?" Ngumiti sila sa isa't isa. "Hesukrista. Ikaw?" sabay abot ng babae ng kamay niya sa kaharap pero halatang nagpipigil ng tawa. Tumawa ang lalake ng malakas, "Tangina imbentong pangalan ba gagamitin natin? Sige ako nga pala si ShortcakeSpirit2019" sabay nagtawanan ang dalawa habang nagkakamayan. Napalakas ata ng hatak ang nakaupong lalake kaya napasubsob si Hesukrista sa kanya. Bahagyang nagkahiyaan pero mukhang konprontasyonal ang lalake, kaya wari neto, "Wow ano to parang rom-com na pelikula. Kakausapin mo ko mula sa kawalan tapos bigla ka na lang napapasubsob sa akin." 
      "Hoy shortcake ang lakas mo namang maka-suspension of disbelief!" sagot ng dilag. "Wala eh. Psych major. I tend to be alienated about things." banat ng lalake.
      "Krista" bigla na lang sinambit ng babae na parang isang reyna na nag-dedeklara ng kanyang kaharian. Napataas ng kilay ang lalake. "That's my real name, and I never gave it to someone here before." Unti-unting bumaba ang kilay ng lalake hanggang sa napa, "Aaaaaaaah" na lang siya. "Guido. Ako nga pala si Guido. Diyan ang building namin." Sabay turo sa likuran kung saan naroroon sa bandang gilid ang Palma Hall Annex kung saan naroroon ang Departamento ng Sikolohiya. "Ako graduate ng pilm. Kaso dalawang taon na akong tambay at rumaraket bilang film critique"
       "Naks! Hanep. Krista gusto mo magmeryenda ng kwek-kwek sa may archi?" tanong ni Guido.
       "Pakalayo naman ng trip mo" sumbat ni Krista. "Ayaw mo nun', parang Before Series ni Richard Linklater?" pabidang sagot ni Guido na parang nagpapaimress sa isang alagad ng sine kung kaya hindi niya napansin ang taxi na papadaan. Hinatak siya ni Krista, "Mag-ingat ka kaya at pansinin ang mga spaces parang sa Certified Copy imbes na Before Series." Natawa si Guido, "Wow Abbas reference. Cars and spaces eklavu. Kala mo ma-alienate mo ko dun noh?" sagot ni Guido. "Ah talagang nagpapasikat ka na kilala mo si Manong Kiarostami ah?" may pagkutyang tugon ni Krista. "Hala! Kayo lang bang mga alagad ng sine ang may karapatang makilala si boss idol Abbas?" tanong ni Guido. Nagtawanan na lamang ang dalawa habang patuloy na tinatahak ang daan patungong Architecture.
       "Krista tama ba ako para isipin na gawain mo talaga makipagusap sa Sunken at kumilala ng hindi mo kakilala?" biglang tanong ni Guido kay Krista.
      Natigilan si Krista at tumingin kay Guido. Tila nagulumihanan eto sa narinig. "Paano mo nasabi?" tanong niya. "Ewan. Sabi mo you never gave your real name before.  Pero tama ako diba?" pagkumpirma ni Guido. Tumango si Krista. "To what end?" dagdag na katanungan ni Guido. "Tingin ko naman kaya ko maging tapat sayo. Wala lang din. Gusto ko maintindihan ang nararamdaman ko sa pagkilala ng iba-ibang mga tao. Madalas nauuwi sa sex. And I guess iyon ang gusto ko para maibsan ang nararamdaman ko sa ngayon." salaysay ni Krista. "Wow. I didn't expect you to be 'that' honest. Pero salamat. Let me guess, heartbroken ka? Maybe five... six years?" sagot ni Guido. "Seven. Pero tangina psych ka nga... psychic!" tumawa si Krista, tumawa na rin si Guido.
      "Pero shet, para mas maintindihan mo ang nararamdaman mo. Ang lalim nun ah! Ang sarap sa tenga." pasubali ni Guido. "Oo, parang buongiorno, principessa!" doon galing pangalan mo ano? "Correct ka diyan ma'am. Paano mo nasabi?" tanong ni Guido. "Hello? Ang itim at ang pango mo para mag-mukhang Jew" asar ni Krista na nagpatawa nanaman sa kanila. "Pero pogi ka at sobrang lakas ng appeal ng isang therapist daddy" sabay kindat ni Krista kay Guido habang tinatanaw ang tatawiran nila papuntang Kolehiyo ng Arkitektura. Tumawa ng maiksi at malaks si Guido at nagsabi "I think I've seen enough to say na that's never a good idea Krista." bahagyang tumigil dahil nakarating na sila sa sa arki sa harap ng kiosk ng kwek-kwek. "Kuya dalawang order po ng kwek-kwek tapos dalawang mountain dew" humingi si Guido sa tindero. "Deja vu." wika ni Krista sa isipan niya. Pagkakuha ng pagkain umupo ang dalawa sa isang silya.
      "Gusto kita" deklara ni Guido kay Krista. Ngumiti si Krista pero biglang nalungkot, "Alam ko may kasunod na bakit. At alam ko rin kung bakit." "We don't find healing in others..." sagot ni Guido at sabat ni Krista, "we find it in ourselves."  Napangiti si Guido habang nilulunok ang huling kwek-kwek. "Pero masisisi mo ba ako kung parang binebenta ko ang parte ng katawan ko sa mapanganib na mga engkwentro ko?" tanong ni Krista. Napatingin sa tattoo si Guido. Napatango eto. Wari nagsasabi na naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang tattoo. Babae. Hesukrista. Krista. "Krista, eh ano? Gawin mo ang dapat mo gawin. Hindi ba lahat naman tayo may nagbebenta lang naman, na lahat tayo kung tutuusin... puta."




Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment