Dear Self,
Half-Time break muna. Musta? Ako pagod na pagod na pagod na. Pero hindi pa rin ako makatulog. Ang hirap pala almusalin ang rejection. Mahirap din mag-hapunan ng almusal. Maraming silog kapag gabi ka na nagising, pero walang bulalo, sinigang o adobo ng ala-sais ng umaga. Pero kayod lang ako ng kayod. Kamusta ka na diyan? Alam ko hirap ka rin lagi. Pero bilib ako sayo kasi palag ka lang. Natanggap mo ba yung padala kong libro? May oras ka pa ba para basahin? Alam ko hindi nabibili ang apeksyon. Pero alam ko rin natutuwa ka minsan sa mga materyal na bagay. Lalo na sa Uniqlo. Gusto mo bigyan kita pang-Uniqlo mo? Palitan mo na yung brip mong butas butas na minsan napapasukan ng surot. Kamot ka tuloy ng kamot. Bili ka kaya movie shirt?
Showing na Parasite (2019) diyan ah, huwag mo kalimutan ang mga hilig mo. Hindi mabibili ang pagkakataon at karanasan. Pero siyempre bibili ka ng ticket. Di bale hindi ka naman siguro magastos lately noh? Pulutanin mo na lang muna laway mo (payo sa akin ng isang dilag), o kaya wag ka na muna talaga uminom. Kung wala talaga, may torrent naman na. Pero sayang din yun. Kung kaya mo, manood ka sa sabado pag day-off mo. Ano binibinge mong tv series ngayon? Big Bang Theory mode kasi ako dito eh. Huli nating usap wala ka pa ring lakas ng loob panoorin ang Stranger Things 3, Season 2: The OA, at Maniac. Sobrang gaganda ng mga iyon pero gets ko naman na may naalala ka rito.
Oo nga pala kamusta na puso mo. Alam ko masakit pa rin pero natutuwa ako sa mga pinag-gagawa mo para sa sarili mo sa kasalukuyan. Ituloy mo lang iyan. Wala namang healing na madali sa malalim na sugat. Kamusta naman utak mo? Napaka-stressful ng sudden shift sa buhay mo, I hope na-mamanage mo namang mabuti. Huwag na huwag mo papabayaan kaisipan mo kasi iyan ang defining feature ng pagkatao mo. Huwag ka masyado mag-alala sa erpats at ermats mo. Pa-udpate ka na lang lagi sa kanila. Alam ko sinisiguro mo talagang hindi mauulit ang nangyari noong December at ang layo na narating ninyo.
Alam ko hirap ka rin matulog, pero subukan mo lang ng subukan. Sige ka papangit ka lalo. Joke lang. Huwag mo masyado isipin yung itsura mo. Huwag na huwag mo i-validate ang kababawan ng ibang tao para mainvalidate mo ang self worth mo. Ayusin mo muna maraming bagay sa buhay mo at kapag nasa lugar ka na mas okay ka na, lahat na lamang iyan dadali. Try mo na lang mag-lakad pagbaba ng bus gang bahay. Inom ka ng Myra-E sabi ng utol mong pogi. Kamustahin mo rin lagi mga utol mo.
Huwag mo kalimtuan magpasalamat. Kung sa isang greater being man o sa uniberso ka nalulugod, malugod ka muna sa mga taong nakatulong sayo lately. Pasalamatan mo sila lahat. Hindi dahil social nicety eto. Or mapupunta ka sa isang paraiso pag pumanaw ka. Magpasalamat ka para mapalakas mo ang mga sarili nila gaya ng pagpapalakas nila sa iyo. Pag tapos ka na sa lahat ng tao na pasasalamatan mo, tumigil ka at pagisipan ang uniberso. Namnamin mo ang kagandahan nito. Huwag kang mag-mamadali, alam ko mabilis kang kumain kaya ang taba mo. Sa ganoong paraan makatulong ka para mas gumanda ito.
Hanggang dito na lamang kapwa kong self sincerely yours Vendetta.
Nagmamahal,
Ourselves the Elves
Day 16/31 #AgostoKoSariliKo
Agosto ko Sarili ko is part of a healing and continuous reinvention process where I am forcing myself, day to day deadlines ala Nas Daily, of any creative work for the entire month of August. Why don't you do it as well or if you want we can collaborate? Hit me up.
0 comments:
Post a Comment