image1 image2 image3

Sup I'M JOHN VLADIMIR|WELCOME TO MY PERSONAL HELL|I LOVE MAKING SINS|AND WRITING ABOUT THEM

Libing

May dalawang baliw na nag-uusap.
Sabi ng siraulong lalake,
“Punta ka sa lamay ko ha, pupunta naman ako sa libing mo.”
Sabi ng may topak na babae,
“Ang daya mo naman eh. Panu naman yung lamay ko?”
Sumagot si lalake,
“Alam mo namang baliw ako, wala akong pang-abuloy”
Napakunot nuo ang babae,
“Aanhin mo naman ng pera kung patay ka na?”
Lumiwanag ang mukha ng lalake,
“Oo nga noh. Ang talino mo talaga.”
Nagmarunong lalo si babae,
“Ganito na lang, pupunta ka sa libing ko,
at pupunta din ako sa libing mo”
Nag kamayan ang dalawang kaluluwang
mas masaya pa sa mga normal na tao.

Kinabukasan,
Natagpuang patay ang babaeng baliw,
Nakakain yata siya ng kabuteng may lason.
Nang marinig ang balita,
galak na galak si lalakeng baliw.
“Sa wakas makakapunta na rin ako sa libing mo.”
Habang inilulubog sa lupa ang babaeng baliw
at pinagaalayan ng mga bulaklak,
dinidiligan ang sementeryo ng isang mahinang ulan.
Nagtatatalon lamang sa tuwa ang lalakeng baliw,
di alintana ang mga nagluluksa sa kanyang paligid
ang iba pa nga’y natatalsikan ng putik.
“Ang galing naman ng libing mo,
Lahat ng tao nakaitim tapos may bulaklak pa,
Sa libing ko kaya,
uulan din?”

Ilang taon ang nakalipas,
pawang katahimikan lamang ang naging sagot
sa mga katanungan ng lalakeng baliw.
Kung saan nakaratay ang kanyang tanging kaibigan,
pasimple siyang uupo sa damuhan,
tapos bubulong ng mga pagbabago sa plano sa kanyang libing.
Noong unang taon naisip niya dapat may bandang tutugtog.
Noong sumunod dinagdagan niya ng isang magarbong parada.
Bawat taon palaki ng palaki ang mga plano niya.
Umabot pa nga na may mga paputok sa kalangitan habang iniraratay siya sa huling hantungan.
Pero ngayong araw binura niya ang lahat ng ito,
patay na pala kasi si Jim Morrisson.
Sira na lahat ng plano.
“Ang tanging gusto ko lang naman eh sumaya ka rin sa libing ko.
Aaminin ko, ang pinakamasayang araw ng buhay ko ay noong libing mo.
Kung bakit pa kasi namatay yung bokalista ng The Doors”

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment