image1 image2 image3

Sup I'M JOHN VLADIMIR|WELCOME TO MY PERSONAL HELL|I LOVE MAKING SINS|AND WRITING ABOUT THEM

Baliw

Gusto kong sumulat tungkol sa samyo ng ulan.
Yuong amoy ng unang mga patak sa natigang at maalikabok na daan.

Gusto ko ilarawan ang proseso ng mamang gumagawa ng sisig
kabisang kabisa ang ano mang kubyertos na para lamang sa kung anong rekado.

Gusto ko ilathala ang opinyon ko sa paghihirap ng mga walang pinagaralan
at kung paano sila matahin sa kanilang kaisipan, tsk,
kung sino pa yung may natutunan.

Gusto ko ikwento ang araw-araw kong paghuhubad sa salamin
subali't balot na balot ako ng baho sa sarili
na ang nakakaamoy ay ako lamang.

Gusto ko isigaw sa isang komposisyon ang mga hinagpis, poot at kabiguan.
Pero, lahat nama'y bingi
sa naghihingalo kong lalamunan.

Gusto kong magsulat ng mgsulat ng magsulat ng magsulat
hanggang bumangon sa hukay si Kafka.
Kahit kanyang multo lamang.

Gustong gustong gusto ko.
Gustong gusto ko.
Gusto ko.
Gusto.

"Tik tik tik tik"
Maya-maya may tunog na sa isipan ko.
"Hahahaha"
Maya-maya may boses ng bumubulong.
"Talon!"
Maya-maya gusto ko ng mamatay.

Isang malaking kabalintunaan
na ang hugis ng araw
at ng buwan
at ng piso
at ng suso
ay iisa
pawang pinagmumulan ng ating mga hininga,
ngunit bakit ang puso't isipan ko'y lukot na lukot na.
Ponyeta.
Puta.
Tangina.
Idaan na lang sa mura.

Kasabay ng pagka-abo ng sigarilyong lima na sa araw na to,
unti-unti na ring nauubos ang katinuan sa pagkatao ko.

Sinusunog na nga ba ng nikotina, o ng alak, o ng droga?
O sadyang hindi na ko gumising sa bangungot ko kanina
at ako ay patay na pala!

Sabi nila,
lahat ng bagay may dahilan.
Sabi ko naman,
sa isang segundo lamang tumatama
ang nasirang orasan.
Sapat na ba ang isang segundo
upang di ko wakasan?

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment