image1 image2 image3

Sup I'M JOHN VLADIMIR|WELCOME TO MY PERSONAL HELL|I LOVE MAKING SINS|AND WRITING ABOUT THEM

Makamundo



Maraming salamat universe!

Wednesday:

Salamat sa Moonstar88 nung wednesday dahil rinig na rinig ko kayo sa kwarto ko kaya naman pump-up na pump-up ako sa susunod na araw.

Thursday:

Salamat itchyworms sa youth spirit na dala ng ayokong tumanda habang kami ay nakapila sa pinakamataong UP fair ever.

Salamat Joyce Pring at Bogart the Explorer sa pagaaliw samin habang ng seset-up ang mga banda

Salamat Ivan Theory sa pagkanta sa kalagitnaan ng naglalakihang banda pero bumilib pa rin ako sa musika ninyo

Salamat Giniling Festival sa mga awitin niyo tungkol sa kung anu-ano pero napakasaya

Salamat Ang Bandang Shirley sa mala OMAM niyong harmony

Salamat Silent Sanctuary kasi kahit ayaw ko kayo, memorize ko yung mga kanta at lahat ng katabi ko nagaawitan ang saya!

Salamat Sponge Cola sa inyo nagsimula energy boost ko sa gabing iyon. Ang saya parang makipagsigawan sa inyo.

Salamat Urbandub sa linya niyong "Para sa lahat ng mga ex natin!" sabay awit ng "When the fighting is over~". Hindi ko masusukat ang emosyon ko noon pero itinalon ko na lang sa Fist of summer at The Guillotine.

Salamat Up Dharma Down sa mala-album copy niyong performance. Kahit hindi ako makarelate sa mga nafrifriendzone niyong awitin. Oo, Tadhana, Indak! Hindi ko malilimutan ang pakiramdam ng napakalakas niyong fanbase habang chinachant namin to!

Saturday:

Salamat Valnutts kahit ang hina talaga ng mic nung saturday eh dama ko iyong musika na nais niyong ipakilala. Susuportahan ko kayo!

Salamat mayonaise at sa walang kamatayan niyong kanta tungkol kay Jopay

Salamat Ebe Dencel kinanta mo yung 'tulog na', sorry hindi talaga kita kilala bilang solo artist. Pero mahal ko ang sugarfree!

Salamat Tanya Markova ang saya-saya niyo talaga forever

Salamat Slapshock nabaliw ako sa crowd at mga mosh pit at alikabok, pero keber! Nabuhay dugo ko! Ang galing-galing niyo pa rin!

Salamat Franco kasi inawit mo pa rin yung Song for the Suspect from the first album dahil todo na talaga ang dasal ko kay universe na sana kumanta ka naman ng first album at yun naman last song niyo. Shet nahuli ako sa pagsigaw ng Rastafari! Pero sige lang!

Salamat Gloc-9 sa lahat ng makabuluhan mong awitin tungkol sa mga minoridad ng lipunan! Salamat din sa pagkanta ng Kaleidoscope World sobrang saya lang na lahat memorize yun!

Salamat Parokya ni Edgar akala ko Slapshock na ang pinakawild na crowd. Pero p#%&$@*$*% isipin mo tumatalon ka ng paside view kasi gumagalaw ung buong crowd para siyang isang malaking organism na nagpapakasaya sa bagsakan!

Salamat Ian Balagtas sa pagsama sa pagpapagod kahit marami kang activities next day para sa iyong iniirog. Salamat sa inyong dalawa para sa shirt na suot ko nung Saturday. Love na love niyo ako noh? Hindi ko na siya papangalanan kasi hidden mitsurugi style ung lablyf niyo. Pero mababasa naman niya to diba?

Salamat Jan Arvin Bustamante at sa di inaasahang pagkatatagpo ng mga mundo eh nakita kita tsong at nakapalitan ng tawanan. Just like the old days.

Salamat Goan Ocay ikaw ang dakilang concert companion. Hindi ko kayang pantayan ang lalim ng musical passion mo. Salamat sa lahat ng impormasyon sa bawat bandang tutugtog na alam mo!

Salamat Rein Velasquez sa hindi natin pag-aaway habang concert. At sa pag-stay kahit hindi mo masyado alam yung mga banda. I love you pohsz xD

Salamat Floyd Willis Patricio sa hindi mo pagdala ng DSLR, wala tayo ni isang picture. hahahha. Pero thank you kasi kahit "di ka na mareach" eto ka sa tabi namin nakahilata sa sunken. hahaha

Salamat Vincent Imbat sa pageefort na pumunta dito kahit napakalayo para sa iyo at sa pakikiramay sa sakit dulot ng sobrang tagal na pagtayo.

Salamat Mother at tita sa financial subsidy. hahaha

Salamat wala akong smartphone or tab kasi hindi ko nagiging katulad yung mga nakataas lang ang phone the whole concert para kunan ang event. Bobita hindi ka sasaya sa ginagawa mo!

Higit sa lahat maraming salamat sa lahat ng jejemon at jumping jologs na pilit inaalipusta ng mga kasama ka sa unibersidad, pero kung wala kayo hindi magiging masaya ang bawat talon at bawat sigaw ko sa mga gabing iyon. Ibang-iba pag pinagtaas ka ng kamay at lahat kayo nagsisitaasan.

Salamat talaga Universe. The best ka!

Share this:

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment