Hindi kahinaan ang pag-iyak
Eto ay pag-deklara na buhay ka
Ang unang akto mo sa mundo
Nung' niluwal ka mula sa iyong ina
Papanaw ka, sila naman ang iiyak
Eto ay pag-deklara na mabubuhay sila ng wala ka na
Sa buhay may darating, magpapasaya
Kapag lumisan, iiyak ka na?
Buhay ka. Umiyak ka.
Umiyak ka. Buhay ka.
0 comments:
Post a Comment